Its one of those days that you just can't get over even if you've already slapped your face and bumped your head against the wall for gazillion times.
And mind you, the horrible thoughts just kept popping out uncontrollably from your bombarded mind.
Lemme fill you in with the details...
Part One: The admirer...
I will speak in Tagalog because this part's way too long. My brain cells will surely complain.
Last last Wednesday eh hindi ako pumasok sa Computer Lab class ko na ang oras ay 8 am. Kaya naman umalis ako rito sa bahay ng 11 am. Tas pumunta na ako sa fx-an. Tas nung pagpunta ko eh pamilyar ang fx na naghihintay ng pasahero...isang kulay berdeng adventure na may mga naka-spray paint na Superman stuff. No big deal. Sasakay sana ako dun sa may gitna kaso hindi ko mabuksan yung pinto kaya dun ako sa likod. Tas pagpasok ko eh nakita kong 1 palang ang sakay sa gitna, tas sinabihan ako ng driver na "Ma'am, dito nalang kayo sa gitna". Shempre lumipat naman ako kasi mahirap umupo sa likod. So yon, 2 na kami sa gitna. Kaso naman, may 3 taong dumating na gustong umupo sa gitna, kaya pinalipat na naman ako nung driver..."Ma'am, lipat nalang kayo dito sa harap". Hayan, lipat na naman ako para makasakay na yung tatlo. So yon, hintay-hintay. Tas ang naging katabi ko pa nga sa harap eh dati kong schoolmate na mas bata sa akin (student dati ng Father ko). Hehe. Makikipagpalit pa sana ako ng pwesto para ako yung nasa may pintuan kaso dyahe naman yon...saka dati na naman akong nasakay dun sa fx na yon at hindi naman ako inano ng driver kaya walang kaso.
Tas ganon. Biyahe. Tas bigla nalang nagkaroon ng nakaka-intrigang palitan ng usapan sa radyo ng isang tao sa kabilang linya at ng driver namin. Itago nalang natin ang driver ng fx sa pangalang Clark.
(Pinag-uusapan nila ay cellphone...)
Other: Oi, aba, nahihilig ka na naman sa cellphone ha...
Clark: Oo nga eh...palibhasa wala akong girlfriend. Sa cellphone nalang muna, saka na yung mga babae.
O: Aba, himala yan. Sana ganyan ka na palagi...
C: Hehe...sana nga no. Gusto ko ngang bumili ng cellphone na bago...(Talks about the new cellphone na gusto niya...)
C: Pero alam mo, pare, mukhang hindi ko na mabibili yung gusto kong cellphone...
O: Bakit naman?
C: Nakita ko na yata yung babaeng mamahalin ko...
Me: *tries hard not to laugh...hahaha!*
C: Aba, ang bilis naman...
(then talks about something else...)
O: Oi, wala ka na naman sa sarili ha...
C: Oo nga eh, broken-hearted kasi...
O: E di ba, sabi mo, meron nang bago?
Me: *talks to myself "Akala ko ba mahal mo, ba't ang bilis mo namang nakakita ng kapalit?"*
C: Oo nga eh...ABOT KAMAY ANG PANGARAP...
...after hearing those, I noticed that the driver kept on looking at our side...and I saw that he kept on looking at the girl sitting beside me. Sabi ko tuloy sa sarili ko, "Dakilang epal naman ako sa gitna ng dalawang 'to!" haha. Tas yon, tuluy-tuloy ang biyahe. Tas etong driver parang nagpapa-cute. Basta, magulong ikwento. Somehow, feeling ko parang ako yung crush niya pero kino-convince ko na ang crush niya eh yung babaeng katabi ko.
Last Wednesday afternoon...sumakay na naman ako ng fx...at same fx na naman yung nasakyan ko. Pero this time eh sa gitna na ako nakaupo. Wala naman kakaibang nangyari. Kaso...
Me: *when the fx was already approaching our Subdivision* Sa Phase 1 lang po...
and he gave me this odd, 3-second look. Hindi ko naman pinansin kaso normally, pagka may magpa-para, hindi naman na titignan ng driver kung sino yung pumapara. Tas tinignan niya rin ako nung bumaba ako.
At eto na ang matindi...
Kaninang alas-onse ng umaga eh nasa fx-an na ako...tas nakita ko na naman na yung fx na namang yon ang nakapila. Eh para sure, tinanong ko yung isang mama sa tabi nung fx kung yun nga ay papuntang Blumentritt. Sabi niya oo, kaso sabi naman nung dispatcher eh puno na yon, kaya pinalipat ako dun sa pulang adventure na pamilyar rin sa akin ang driver (pero hindi si Clark yon). Tapos, may isang girl na taga-AB ang naunang umupo sa akin sa harap tas ako na, kaya ako yung naka-upo sa may pintuan. Tas bigla nalang sumulpot out of nowhere 'tong si Clark at lumapit sa fx namin. And mind you, habang papalapit siya eh SOBRANG NAKATITIG siya sa akin. Nung una, akala ko, nakatingin siya sa AMING LAHAT na nasa harapan, but it seemed to me later na parang hindi. Napatingin ako sa kanya for a while tas tapos na. Gulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto sa side ng driver at...
Clark: Oi, alagaan mo yung MAHAL ko ha...
Me: *matatawa na naman...bakit ba sadyang ang BADUY ng nilalang na ito?*
Other: Ha? Loko ka talaga...
C: Double-time ka para maabutan mo pa ako...
Tas bigla akong napa-isip. Kasi ang tao pa lang naman sa loob ng fx eh yung driver, si Mamang Doraemon (isa ring driver na nagpalamig lang sa air-con), yung girl na taga-AB, at AKO. Shet, sino ron? Joke lang ba yon? Eh bakit kelangan pang sabihin ng personal? Haha...baka yung taga-AB naman ang puntirya.
Tas usap ulit sila sa radyo...
O: Haha...kaw ha...mahal mo pala si Doraemon...
C: Oi, di ko mahal yun ha...
O: Eh teka, sino ba yung mahal mo?
C: Bakit, wala naba diyan si Doraemon?
O: Aba, bumaba na, kanina pa...
C: Basta...
tas sa buong trip namin eh pilit talagang kinukulit ng driver ng fx namin si Clark kung sino nga raw ba yung mahal niya...minsan, iniiba niya pa yung usapan para lang hindi na siya tanungin...
O: Oi, sino ba kasi rito?
C: Ah basta, ewan, hindi ko rin alam...
O: Anong hindi mo alam?
C: Basta, pag nakikita ko siya, tumitibok yung puso ko...
Hala?! Shet, parang AKO ba yon?
Kasi sobrang COINCIDENCE naman na konektado yung nangyari noon saka ngayon...ang tungkol sa lovelife niya...
Tas ang badtrip pa eh parang nag-usap sila na sa terminal mismo kami ibaba...tas nagse-senyasan sila, tila sinasabi ni Clark kung sino nga yung mahal niya, or whatever, dun sa isang driver...
KUMUSTA NAMAN YON?
Hahaha. Natatakot na tuloy akong mag-FX.
Ang FREAKY talaga.
********
Part Two: The Book
Eto pa ang bwisit. Kasi, 6 pm ang dismissal ko ngayon. Tas nung pag-uwi ko ba naman eh sobrang lumakas yung ulan! Badtrip talaga. Tas shempre, no choice kundi sumugod sa baha.
Tas eto ang nakakainis...
Tas eto ang nakakainis...
Kasi, makitid yung part ng pilahan sa fx. Kasi diba, may baha sa gilid, kaya sobrang siksikan yung tao. Tas papunta ako sa likod ng pila, tas yung iba, paabante. E merong isang matabang babae run na ewan ko ba, parang tange, natalisod, kaya naman sa akin siya sumandal at natulak ako sa kawalan! Buti nalang, may fx dun sa mismong harapan ko kaya nasalo ako nun, kaso, nabitawan ko yung AUDITING THEORY kong book...haha...NALUBLOB TALAGA SIYA SA BAHA! Tas ang epal, ni hindi man lang nag-sorry! Nakakainis talaga!
********
Part Three: The man and the iron...
So yan, pagkauwi ko eh itinapat ko agad sa electric fan yung libro ko para matuyo. Tas nung biglang dumating 'tong daddy ko eh napansin niya...
Dad: O, nabasa 'tong libro mo?
Me: Nalublob sa baha eh...
Dad: Eh tuyo na ha?
Me: Pabayaan mo nalang siya dyan sa electric fan...mas magandang tuyung-tuyo siya
Dad: Ah...akin na, patutuyuin ko...
(*knowing na kapag may pinakialamang bagay yung Daddy ko eh nauuwi sa disgrasya*)
Me: Hay naman, wag mo nang galawin yan. Nanahimik yung libro ko jan, pabayaan mo na...
Dad: Hindi, akong bahala...
Me: Wag na, wag na...
...akala ko naman, hindi na pinakialaman. Matapos ang ilang minuto...
Dad: Car, sorry...
AND TO MY HORROR, THE COVER OF MY BELOVED AUDITING THEORY BOOK WAS BURNED, AND TO SOME EXTENT, STILL SCORCHING HOT
.
.
Hay naku, kung may namamatay sa high blood eh malamang, namatay na ako nun.
At hindi ko na nasulat ang entry na ito.
Labels: Atrocities, Dead Meat, Randomities, Scholastic Raves