Three adjectives that will perfectly describe me today.
DISAPPOINTMENT, the perfect noun for the day. Definitely fits, today's a 13th.
Why?!
Oh well, the results of our first preboard exams have already been out. And damn, mine wasn't good at all.
Actually, alam ko na ang mga resulta...and they're not good at all.
Auditing Problems: 96% at proud ako! (kaya inunang banggitin eh! hehehe)
Prac2: 80%. Nakaabot sa limit ni Sir G.
Theory of Accounts: 75%. Sakto
Auditing Theory: 73.75% kulang pa ng 1 correct item para pumasa. Badtrip.
Business Law and Taxation: 73.75% rin. Pasado yung tax part 80% pero sablay sa law 60-something % lang.
M.S. 66%. Wow sumabit pa sa 65% limit.
at ang pamatay...
Prac1: 40-something percent lang. Super sablay
Kahit na ba sabihin nating may transmutation, at maloloko ko ang parents ko na pasado ako sa preboard, eh hindi ko naman maloloko yung sarili ko dahil deep within me alam kong sablay ako. Eto pa ang nakakainis. Yung prac1 at MS ang super kinareer ko sa pag-aaral tas dun pa sablay.
Yung prac1, 40 items tas 15 lang yung natama ko. Nung binigay na yung correct answers eh 12 pala yung katangahan ko. sayang, 27 yun dapat sana pasado ako. Rarrr....
At eto pa ang nakakahiya. Karamihan ng taga-uste eh kasama sa Top 100...tas super bilang sa kamay yung mga hindi kasama (at sa kasamaang palad eh isa ako sa mga hindi nakasama dun). Masakit sa loob kasi kahit paano, alam kong kaya ko, pero super sablay. Nakakahiya.
Tas 'tong nanay ko pa eh panay ang blow-out sa akin. Kung alam lang niyang lagapak ako sa preboard. Nakakakonsyensiya.
Nakakatakot. oo preboard lang yon, pero yun na nga eh. Preboard nalang eh hindi ko pa mapasa, paano pa yung actual CPA board exams? Shempre iba yung morale boost mo kapag pasado ka sa mga preboards. Rarrr...
Nakakatakot yung feeling na baka maiwan ako ng mga kasama ko...yung tipong CPAs na sila tas ako hindi pa...
Rarrr...
Sana makabawi. GOOD LUCK!!!
Labels: A Reviewee's Life, Atrocities, Dead Meat, Flabbergasted, Me-Myself-and-I, Scholastic Raves, The Great Depression
