Basta, there were 2 dreams actually...but I'll tell you first about the 2nd one. Ma-isyu yung una eh. Heehee.

I am officially "LOVELESS" and "CRUSHLESS" now. As in. And siguro, ngayon ko na-realize na big loss na pakawalan yung 2nd ex-boyfriend ko. Oh well, actually, ako yung may kasalanan sa aming dalawa (but I didn't mean it...dala lang ng immaturity...). He's one of those guys na extinct na -- yung super bait, blah, blah...and I'm a big idiot for letting him go. So siguro dahil crushless ako ngayon eh nagdi-dwindle ako sa thought na gusto ko na ulit siya. I had a dream about him days ago na kung saan gustung-gusto ko na siyang tanungin if he still loves me, but I hesitated because hindi naman ako sure sa feelings ko, so sa dream ko eh hindi ko tinuloy yung question. Tas eto yung parang continuation.
We were talking on the phone daw and I kept on asking him intriguing questions that, at the end of the day, will eventually boil down to the question that I've been dying to ask him -- if there's still a chance that we will reconcile. So yon, pasimple naman ako ng tanong. Tas may isang tanong don, actually eto na yung tanong BEFORE ko supposedly (and pinaplanong) tanungin yung magic question...na parang indirect answer sa sagot na gusto kong marinig. I forgot the question na...pero it's like this. As if he said, "Ayoko sa taong mandaraya" tas as if in fact, eh alam kong mandaraya ako. Parang ganon. Kaya I didn't bother to ask him the next question. Tas sabi niya, "sandali lang ha" pero hindi na siya bumalik sa line.

I really think yun na yung sagot sa tanong ko. Just like the previous dream, I didn't ask but this time the reason was different; Not because I wasn't sure of my feelings but because I'm afraid of what his answer will be.

Tas eto na ang kontrobersyal na 1st dream...

Ganito kasi yon. Yung mga tao sa paligid eh mga tao dun sa Review Center na pinapasukan ko ngayon. (I won't mention it nalang, baka ma-Google.) Pero ang setting eh sa Guardian Angel School, yung school ko nung high school. Nakatayo kami ng mga friends ko dun sa may tapat ng stage nang biglang lumapit itong certain guy na ito. He offered na ihahatid niya raw ako sa bahay at nagpaalam siya kung pwede raw ba niya akong ligawan. Whatttt?!

Tapos pumayag daw ako, ayon sa dream ko. And then I introduced him to my parents. Tas yon, everyday na niya raw ako hinahatid sa bahay (may car siya). Tas a few days later dun sa dream ko eh magka-holding hands na raw kami, tas nakita ko dun yung ugali ko nung high school -- na nagde-deny akong boyfriend ko yung kasama ko eh obvious namang boyfriend ko siya. heehee. Tas kapag may makakasalubong daw kaming kakilala ko eh bibitawan ko yung kamay niya. Tas actually hindi naman talaga sinabi sa dream ko kung sinagot ko yung guy...pero magka-holding hands kami dun. Ang gulo no?! Tas hindi pa nga raw boto yung parents ko...
Parents: Ilang taon na ba yon? Bakit parang mas matanda sa iyo?
Me: Ha? Hindi pa matanda yun. Reviewee rin yon (hala nag-deny!
)Parents: Talaga? Atsaka bakit ganun, mukha siyang poor? (bwahaha...
)Me: Poor? Eh may kotse yun eh. Tsaka REVIEWER yon, paano siya magiging poor? (patay nadulas!)
Parents: Ano ba talaga, Reviewee o Reviewer?
Me: dumbfounded
So yon, ang nangligaw (or baka naging boyfriend) ko sa panaginip ko ay isang REVIEWER sa Review School na pinapasukan ko...eto ang clues...
1. Itago nalang natin siya sa initials na T. A. S. 3 (obvious! )
2. May blue siyang kotse...Toyota something eh...na ang plate number ay ZDD 742? (Di ko alam kung tama eh)
3. Paborito niya ang "The Legend" sa Accounting profession, aka "Direk" kaya paborito niya rin ang Practical Accounting 1 at Theory of Accounts.
4. August yung birthday niya...nakalimutan ko na yung date.
5. Gwapo siya. Kaso sabi ay may pagka-mayabang...

Tas diba magkasunod yang mga panaginip na yan, habang nangyayari yung 2nd dream ko eh naisip ko (dun din sa panaginip ko...) na "bakit ko pa ba tinatanong 'tong ex ko ng mga tanong na to, eh may T.A.S.3 naman na ako?" Bwahaha. Pamatay talaga. Magkarugtong.
Tas kinuwento ko naman kay Joan. At eto ang pamatay niyang reaksyon.
"Wow, baka mahahalina mo siya sa Testimonial Dinner..."
Hala, may ganun? Ni hindi nga ako kilala nun. Saka hindi ako papansinin nun, suplado yun eh. Saka mukhang mahilig lang sa maganda. Eh ako hindi. Haha.

Yun lang. Ciao na ha.
P.S. Hindi ko crush si T.A.S.3 kaya takang-taka ako kung bakit siya ang nasa panaginip ko.
P.P.S. Bukas ay magsa-submit na kami sa PRC. Sabi eh hanggang St. Thomas Square na raw yung pila sa PRC kanina. Sana naman bukas eh hindi. Wish us luck.
Zaijian!
Labels: A Reviewee's Life, Flabbergasted, Get Your Tagalog-to-Your Country's Language Dictionary, Head Over Heels, Me-Myself-and-I
