Pa.Ra.Ca. Registration (ung CAPs lang ha, siningitan ko lang ng vowels kasi baka ma-Google, mahirap na, Multiply pa!)
- Uminom ng sangkatutak na ice tubig o yelo kasi ika'y makikisalamuha sa mga NUKNUKAN NG SUNGIT/SUPLADA na mga empleyado sa PaRaCa.
- Kung maaari ay sabay-sabay kayo ng dabarkads mong magpasa ng requirements para pwede kayong magtanungan ng kailangang gawin/isulat sa napakaraming forms.
- Kung hindi maiwasang mag-isa ka lang, kapalan mo na ang mukha mong magtanong or makisabay sa ibang hindi mo kilalang aplikante (pero dapat yung mukhang katiwa-tiwala ha) kasi mahirap kapag mag-isa ka tapos may mali kang nailagay/naisulat sa form mo. Sesermunan ka nung mga unggoy don habang naka-microphone, kaya dinig ng buong PaRaCa yung sermon sa yo. Mapapahiya ka lang. Sasabihan kang "tatanga-tanga"...gusto mo ba yon?!
- Magdala nung mga requirements pati narin paste at Mongol # 2. At huwag bumili ng envelope at Cedula sa labas ng PaRaCa, mga peke yon. Hindi nila ipa-process ang application mo.
Review
- Pumili ng Review School na maganda. Yung pinaniniwalaan mo. At yung maganda ang STATISTICS. Huwag magpapaniwala sa mga hindi magandang sabi-sabi, lalo na kung ang nagsasalita eh empleyado o reviewer nung kalabang review center (aba parang may kilala akong ganito ha! Beware: meron sa USTe nyan!)
- NANINIWALA akong ang pagpasa sa board eh hindi lang talaga nakabase sa kung saan ka nag-review or paano ka nag-review...kasi it will all boil down kung ano yung natutunan mo sa undergrad, yung kung gaano katatag ang pundasyon mo sa mga accounting subjects. Kasi kung kakaiba yung tanong at di naituro sa review eh bahala na ang stuck knowledge mo nung college na isalba ka sa exam.
Kaya kafatid, kung nasa undergrad ka palang ngaun eh galingan mo na at mag-aral ka na ng mabuti. Kung graduate ka na at pakiramdam mo nama'y 'di matibay ang pundasyon mo, eh mag-aral ka na agad habang bakasyon pa. Huwag mo nang hintaying mag-umpisa ang review classes bago ka mag-aral.
- Unahin mo munang sagutan or aralin ang handouts na galing sa Review Center mo bago yung mga galing sa Review Center ng iba.
- Huwag masyadong mag-accumulate ng napakaraming handouts kasi it's either tatamarin ka aralin dahil sa dami or kakabahan ka before the board dahil hindi mo nabasa o naaral lahat yun.
- "You should never fall in and out of love during the board exam".
Sabi yan ng isang reviewer. Well ang logic niya behind that eh dapat daw during the review eh fully concentrated ka sa review, walang istorbo. Well kung magaling kang mag-multi-tasking eh congrats, pero kung hindi, medyo kumplikado RAW.
Saka sabi nya kasi, mahirap raw to kasi halimbawa, may bf/gf ka habang review, shempre mahahati yung time mo. Or it's either mag-aaway kayo palagi dahil mapapabayaan mo siya. Maapektuhan ka nun. Or worse, if ever mag-break kayo ng wala sa oras eh shempre, disoriented ka, magugulumihanan ka. Patay ang board exam mo.
Hindi ko masabi kung totoo talaga to based on first-hand experience dahil LOVELESS naman ako nung nag-board ako (sa kasamaan palad...hehehe) pero karamihan ng kakilala kong nagka-love problem during the review eh, sad to say, bumagsak sa board.'
- Iwasang um-absent sa review. Kasi marami silang important trivias/stuffs na sinasabi. Saka ikaw rin, makukulangan ka ng handouts. Kung nagkukumahog ka nang magreview eh siguro good excuse naman yon para um-absent, wag lang kayong gagaya sa akin na porke't nanaginip ng hindi maganda nung nakaraang gabi eh tatamarin (at tuluyang hindi) pumasok.
- Mas masaya sa Review kasi wala kang grades na inaalala. Saka mas open sa jokes yung mga reviewer. hehe. In short, mas GREEN ang jokes nila kasi graduates na kayo. Masaya rin kung magkakakaklase or barkada kayong magkakasama. Ok din kung mag-isa ka lang kasi marami kang makikilalang bago.
Lalo na kung sa CPAR ka...may mga "landian sessions" pa kapag classes especially kapag pre-week. At kung matyempuhan mo pang b-day ni DIREK eh baka manalo kapa ng libro nya...LIBRE 'pre! Palagi pang may pakain kapag petition mass at sa Farewell Party. Libre rin ang bayad sa Testimonial Dinner (Hotel pa)
- Umiwas sa mga mayayabang na tao. Talagang meron at merong mga taong nagmamagaling -- mga kapwa mo reviewee. Yung tipong nagpaparinig na "anu ba yan ang dali naman ng mga tanong" samantalang ikaw eh dinudugo na habang sinasagutan yung handouts. Wag mo silang pansinin. May karma rin yan. Hehehe
Home School
- Kung may petition mass sa homeschool mo (lalo kung Tomasino ka) eh um-attend ka. Naniniwala ako sa praying powers ng mga pari sa USTe pati ng mga professors. Saka after the mass eh may PEP TALK. Nakaka-inspire ang mga sasabihin nila. May free food pa from JPIA.
Pre-Boards
- Kung nasama ka sa Top 100 sa mga pre-boards eh CONGRATS, kafatid, ibig sabihin, malaking-malaki ang tsansa mong pumasa! Huwag ka nga lang magiging "lenient" sa Actual Board.
- Kung sa kasamaang palad eh hindi ka naman kasama eh huwag kang malungkot, Pre-board lang naman yan. Ibig sabihin eh mas kailangan mo pang mag-pursige, di ba?
- May mga review schools na ZERO-based. Kaya maaari kang makakuha ng 30 na score. Huwag kang malungkot, hindi naman zero-based yung actual board eh.
- May mga review schools naman na nagta-transmute. Wag ka rin maging masyadong kampante kung mataas ang score mo. Hindi zero-based ang actual board pero depende sa decision ng BOA kung magta-transmute PA sila sa results ng Actual Board.
Actual Board:
- Huwag kumain ng KAKAIBA days before the exam. Kaw rin, baka imbes na sa testing center ka nakaupo eh baka nagbababad ka sa toilet bowl habang nagbabasa ng paborito mong pocket book.
- Mga proctor. Sana mapunta ka sa mabait na proctor. Kahit gaano ka-epal ang proctor mo eh huwag mong sasagutin, kasi baka magsumbong yan eh ibagsak ka pa.
Meron nangyari sa amin na sa MS eh 30 minutes before the time eh pinapasa na yung papel. Kapag minamalas nga naman, no? (unfortunately, bumagsak yung isa kong kakilala na biktima nito...malamang naging factor ito...Rarrr) Kapag ganon eh isumbong nyo sa PaRaCa supervisor agad para mapagalitan. Bwahaha. Mahirap nang maulit uli ito sa pangalawang exam for the day.
- Natural na kabahan ka sa umpisa. Unang hawak mo sa testpaper ng TOA eh natural na mangangatog ka. Pero sa umpisa lang yon. Kasi habang nag-eexam ka na eh makakalimutan mo na ang kaba at maiisip mo nalang na kailangan mong mag-isip at mag-solve. Kelangan sa una-una ka lang kabahan, kasi kapag hanggang patapos na ung board eh kinakabahan ka, naku baka makaapekto yung nerbyos mo sa performance mo.
- Kung feeling mo eh nagkalat ka ng sobra't nangamote ka ng todo sa isang exam eh huwag ka munang nerbyosin. Kasi maaapektuhan yung mga susunod mong exam. Saka ka na mamroblema pag tapos mo nang i-take lahat ng subjects.
- Huwag i-discuss yung mga sagot after the exam. Mabibwisit ka lang sa mga mali at ka-engot-ang ginawa mo. SUNK COST na yon. Kahit magngangawa ka dyan, hindi na mapapalitan yung sagot mo.
- Huwag magmadali habang nag-eexam. Isiping mabuti lahat ng choices. Marami ka pa namang oras eh. Kung magta-time na, kelangan mo na talaga sigurong bilisan.
- Matulog nang maaga before the exam. Wag ka na mag-aral the day before kasi mai-stress ka lang. Late akong nakatulog nung 1st day kaya antok na antok ako sa TOA. Huwag nyo akong gayahin.
- Huwag mangopya. Shempre. Iba-ban kayo ng Pa.Ra.Ca "from taking any other/future exams and the results of your examination will be cancelled". Ganyang-ganyan yung nakasulat sa Answer Sheet.
- Iwasan ang ERASURES! "You will be banne from taking any other/future exams and the results of your examination will be cancelled." (exaggerated pa nga yung sabi sa answer sheet, kahit daw magmarka yung fingernails mo maba-ban ka na...)
- Kung galing ka sa Lower Section nung undergrad, tas nandun yung mentality na "naku, kung may babagsak sa batch namin eh kami munang mga taga-lower section ang mauuna" eh wag kang malungkot. Naisip ko rin yan noon. Pero tignan mo, nakapasa parin. Wala sa section mo nung college yan, nasa sayo yan. So believe in yourself.
- Kung galing ka naman sa cream section eh huwag ka masyadong maging kampante. Hindi lahat ng galing sa cream section eh pumapasa sa board.
- Huwag rin kayong masyadong magpapaniwala sa mga banat ng reviewer na "o, eto ang lalabas sa board, blah, blah" kasi BASED ON MY EXPERIENCE eh hindi totoo yun. Aralin nyo yun, OO, pero HUWAG DUMEPENDE DUN. Kung lumabas, eh di bonus sayo, kung ibang tanong ang lumabas, at least alam mo paring sagutan kasi inaral mo yung ibang topics.
- Kapag may new standards na pero yung old standard parin ang applicable sa topic (wala sa choices yung answer kapag new std pero nandun yung sagot kapag old std ang in-apply) eh isagot mo yung old standard. Tas malamang aapela ng bonus yung mga review center sa tanong na yon. Kung pumayag ang BOA, may plus one kapa. Eh di 2 ang score mo sa item na yon!
LAST at ang pinakaimportante, MAGDASAL, MAGDASAL, MAGDASAL. Siya lang ang makakatulong sayo bukod sa sarili mo. Papasa ka hindi dahil alam mo lahat kundi dahil tinulungan kaniya. Siya lamang ang ka-TAG TEAM mo. Siyempre you must do your part by STUDYING HARD and for sure, He'll do his part by helping you pass the exam. I-surrender mo sa kanya lahat. Sabi nga ni Atty.D, "with His proper guidance, you can never go wrong!" Makalimutan mo na lahat ng sinabi ko kanina HUWAG LANG ITO.
As of now yun nalang muna...saka na yung iba...hehe...umaatake ang memory gap...
CIAO!!!
Labels: A CPA's Life, A Reviewee's Life, Atrocities, Dead Meat, Flabbergasted, Get Your Tagalog-to-Your Country's Language Dictionary, Randomities, Scholastic Raves
