At first, I thought that I'm gonna have a sort of one-week-vacation (in Tagalog, Buhay Baboy) before starting on my new job. And I was soooooo wrong.
Monday. I slacked.
Tuesday, Started my driving lessons. It was pretty okay because I immediately started driving -- and the lectures/lessons are being given while you're driving (fairview pa lang yung naikot ko). Then shopping nung gabi (naks, 2 pairs lang ng blouse at slacks shopping na yung tawag! Hahaha) for office attire.
Wednesday. Went to LTO to apply for Student Permit (Driver's License). Badtrip, offline pa sya kaya hintay pa til hapon. Then 4 hours non-stop driving ulit (ang saya, naka-ikot na ako ng buong Commonwealth, pati Visayas at Mindanao Ave, etc.).
Today (Thursday). Went to PRC para manghingi ng duplicate ng nawala kong CPA License. Actually walang pila sa renewal, and medyo "nice" naman yung mga empleyado (palibhasa professional na, pero sa mga aplikante ang susungit nila!), pero nahuli ako dahil sa haba ng pila sa Cashier. Tas ang dami pang requirements: 2 passport-sized pictures (white background with name tag ala-MUGSHOT), affidavit of loss, xerox or photo ng lost license (buti nalang na-scan ko siya dati...at may copy ako sa Multiply), duly accomplished form, at shempre, pera.
Hayyyyyyy. Tas 4 hours non-stop driving ulit. Nakaka-stress ang pagpapa-park, backing, saka kapag pataas yung daan: Palagi akong namamatayan ng makina. Saka ang hirap tantsahin nung pagpihit ng manibela. Tas nakakainis pa, hindi si Kuyang mabait yung nagturo kundi yung isang instructor...nakakairita kasi nampe-pressure siya, tas pangungunahan ka pa sa gagawin mo, tas hindi ka nya paiikutin, paulit-ulit, ah basta nakaka-irita! Kaya nag-reklamo ako agad sa manager ng driving school, sabi ko ayaw ko na sa instructor na yon
heheheFriday: 4 hours non-stop driving ulit. Tas punta namang SSS para mag-apply for SSS ID.
Hayyyyyyyy...walang pahinga til Sunday! Mukha akong haggard nito sa 1st day ng new job ko! *sniffs*
