Finally!!!
I can 100% say I am SO OVER IT!!!
Good Riddance =)
Labels: God is good -- All the Time, Head Over Heels, Me-Myself-and-I
Past is past. LOL...
Hay. Bigla kong na-miss mag-blog kaya kahit ala-una impunto na ng madaling araw eh eto ako't nagta-type ng blog post.
I've got so many stuffs to share, pero parang wala pa sa mood yung diwa ko.
Then I decided to open my Blogger Account, basta yung isang blog ko.
Out of curiosity, I decided to read my super-effing-old blog posts and they were really funny.
Lalo na 'tong isang 'to, super madrama.
Oh well, since I don't have issues with this one and since I believe that I have proven myself eh ipo-post ko to. Hahaha have fun reading... =)
P.S. I love this post. Sobra. Wala lang, I remembered the moment while I was writing this...I was very determined to prove myself to everyone that I deserve a BSA degree and a CPA License. Good thing I had this wonderful dawning or else, I might have not been able to accomplish what I had or reach where I am now. Hehe
Challenges...challenges... =)
This entry was posted
SEPTEMBER 25, 2005...
Hmmm...a gloomy day...
Not because of my uberly-LOW scores in Accounting Quizzes.
I don't really need to fuss about this but I was really offended. TO THE BONE.
There's this certain prof. Then she told our class that she noticed that some of the students are good, and she believed that it will be good if we'll have this "group study" thing. Then she started calling the names of those that she believed "are fit" for the job.
Hindi naman sa nagyayabang ako. Pero feeling ko naman eh nakaabot ako sa top 10 sa class namin. And I know mejo ok naman ang grades ko sa subject niya. Hindi ako napili bilang leader, pero hindi rin naman ako naghahabol sa pwestong iyon. Kung tutuusin, ok pa yon sakin dahil dakilang tamad ako no! Nag-solve na ang lahat pero ako, tulog parin sa pansitan at kikilos lang pag last minute na. Ewan ko ba. Feeling ko naman kahit papaano eh I deserve rin naman na mapasama sa mga choices. Saka kung sakali nga, mamo-motivate akong mag-aral ng mabuti para maturuan ko yung mga groupmates ko.
Tas ganon. Hindi nga ako napili, sabay sabi nung prof, "may mga tao kasing magaling pag written pero sa oral, hindi. kaya ang pinili ko eh yung feeling ko ay may 'LEADERSHIP' skill. Kung mapapansin niyo, hindi ako nag-base sa grades sa pamimili...pinili ko yung mga aktibo. Sinadya ko talagang may hindi piliin." Shempre nag-react kami dahil parang si Sir *toot* yon na hindi marunong magturo. Then nagka-isyu. Bakit daw ako saka si Lee (highest namin for both A&B at C&D) eh hindi naging leaders. Shempre hindi nalang ako nag-react...ngiti nalang kunyari. Tas worse, ang mga napili pa niya eh yung mga super "ma-papel" at pasikat sa mga prof. Well, hindi naman lahat...yung iba lang.
Ganon kasi yung dating sakin -- na ibig sabihin ba na kapag hindi ka mahilig magpasikat or passive ka during discussion eh bobo ka na sa leadership? Siguro isang reason din kung bakit talaga ako naghihimutok sa leadership na yan eh dahil sa nangyari sakin nung elementary. May teacher kasi ako na ginawa akong leader for a group play. Eh hindi ko masyadong mapaganda yung play kasi una, irresponsable't mga walang kwenta yung mga ka-group ko ang second, ang pangit nung story na napunta samin. Eh may general rehearsal...and as expected, hindi kami handa. Sinabihan niya ako na, "Yan na yon, Socorro? Weak Leadership yan ha..." Kaya hayan, na-ungkat na naman ang lumang isyu na yan. Nasadlak na naman sa lupa ang confidence ko. I know, sa ilang taong nagdaan, hindi na ako "weak leader" but it seems these words are already attached to my name. Bakit ganon? Bakit ba kasi nabanggit pa niya yang "trigger" word na yan...
Tas nung sinabi pa nung prof na "sinadya nyang may hindi piliin" eh tumingin pa siya sakin. Badtrip talaga. So feeling ko, ako na naman yung Socorro nung elementary days...yung hindi pinagkakatiwalaan ng mga teacher kasi feeling nila mahina ako, yung Socorro na mahina sa leadership. Ganon. The mere fact palang na hindi niya ako napili eh masakit na sakin, alam mo yon...na hindi ka pinagkatiwalaan na gawin yung responsibility. Na hindi ka worth para sa tiwala niya. Then I asked myself, "hindi pa ba sapat yung pag-aaral ko?"
Kagaya yan nung nangyari sakin last sem. Kasi nagparecitation si Mam Cruz. Eh ang tinawag niya sa recitation eh yung mga may "edge" talaga sa acctg. (or yung mga may "potential"). Eh yung mga classmates ko, expected nila na matatawag kaming lahat sa row (Bianca, Myra, Tle, Ako, Che at Donna). Hayon...tinawag silang lahat pero nilaktawan ako. Shempre ang sakit non. Ganon ba talaga ako ka-hina sa accounting? Tanong ko sa sarili ko. And yes, it seems that my efforts were not enough. Kaya sobrang pinagsikapan kong makapasok sa accounting majors para mapatunayan ko hindi lang sa kanila pati sa sarili ko na kaya ko ang course na pinasok ko. Eto na naman. Ganyan na naman. Siguro nga, china-challenge lang ako. Sana this time makaya ko ulit.
Ewan ko ba...bakit ganon. Lahat nalang halos ng tao walang tiwala sa kakayahan ko. Siguro nga dapat may patunayan ako...kelangan ko nga sigurong patunayang mali sila.
Haha. Ang drama. Pasensya na.
Kaya ngayon, ewan ko kung may "amor" ako na maki-cooperate sa group activity na yan.
Haaay...